Manalo ng Next Generation Toyota Tamaraw, one-year supply ng data, iPhones, atbp. sa TNT Anibersaya Raffle promo!
Bilang bahagi ng 25th anniversary celebration ng TNT, inilunsad ng value mobile brand ang Anibersaya Raffle promo upang mapasalamatan ang milyun-milyong subscriber o KaTropa nito sa buong bansa.
Bukas sa lahat ng TNT subscriber mula June 17 hanggang July 31, handog ng TNT Anibersaya Raffle promo ang mga exciting na weekly prizes tulad ng iPhones at iba pang smartphones, one-year supply ng data, cash prizes, at marami pang iba. Tampok naman sa grand raffle sa ang brand new Next Generation Toyota Tamaraw!
Text ANIBERSAYA to 5858 para sumali
Para sumali sa raffle, i-text lamang ang ‘ANIBERSAYA’ sa 5858.
Ang mga TNT subscriber ay makakakuha ng 1 raffle entry sa kada subscription sa selected promos na merong 1-day validity; 2 raffle entries kada subscription sa selected promos na merong 2- or 3-day validity; at 5 raffle entries naman sa selected promos na merong 7-day validity.
Maaring makaipon ng entries sa iba’t-ibang paraan ng pag-register sa selected promos – sa mga sari-sari store, e-wallet, online store, at iba pang accredited retailers nationwide.
Bawat linggo, iaanunsyo ng TNT ang exciting weekly prizes nito tulad ng latest gadgets at smartphone bundles.
Pagdating naman ng Aug. 6 grand draw, 25 subscribers ang magwawagi ng one-year supply of data, habang isang maswerteng subscriber naman ang mag-uuwi ng brand new Next Generation Toyota Tamaraw!
MAX Saya para sa lahat ng TNT KaTropa
Ang TNT Anibersaya Raffle promo ay isa lamang sa maraming paraan ng TNT para makapagbigay ng maximum o ‘MAX’ saya sa mga KaTropa.
Sa year-long anniversary celebration ng TNT, patuloy itong maghahatid ng ‘MAX’ saya sa pamamagitan ng MAX Malakas na 5G network, MAX Sulit at abot-kayang mga promo, at MAX Exciting na experiences at surprises para sa mga KaTropa!
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa TNT Anibersaya Raffle promo, visit https://tntph.com/Pages/Anibersaya2025. #
Comments
Post a Comment