Kasal: Bea Alonzo, Derek Ramsay, Paulo Avelino


Naranasan mo na bang masaktan, maloko, pagtaksilan at pagsiungalingan? Hanggang saan ang kaya mong tanggapin sa taong mahal mo?


Sakit sa heart, bes! Pero masaya ako na umuwi bukod sa 2nd time ko manood ng sine na mag-isa, sobrang nagandahan ako sa movie na Kasal. Parang gusto ko bumalik sa Cebu lalo sa Plantation Bay kung saan kinuhaan ang ibang scenes.


Kudos sa mga casts! Ang gagaling lahat. 

Derek (Wado) - iba talaga ang dating niya sa akin. Parang ang hot at yummy nya. 😆 Sabi nga ni Bea sa Blogcon, Alphang-Alpha .Ang galing nya umarte din. Ramdam ko. Medyo nakakainis lang ang character niya,pero hot pa rin.

Paulo (Philip) - magaling din at nagawa nya ng mahusay ang role nya. Hirap ng role nya pero na-deliver niya ng maayos. Very relatable.

Bea (Lia) - wala akong masabi. Ang pelikula basta bea, mapapa nganga ka. Bukod sa ang sexy niya lalo ngayon, matured ang role niya na bagay sa kanya. 

Ang soundtrack na "Tagpuan" by Moira, LSS na ako ngayon 😂 

Sa movie, hindi ko inakala na ganun ang magiging twist ng story. Tumawa ako, umiyak (pati mga katabi ko, pero pasimple lang ako), nainis (kay Wado kahit yummy siya), natuwa at nadala ako sa characters ng lahat pati kay Ricky Davao. Kung ako ang real life gf ni Derek, hindi ko kakayanin ang eksena nila ni Kylie Versoza. Buti na lang hindi ako ang girlfriend nya kaya nakayanan ko panoorin! Ibaaaa. Si Cris Villongco ang galing mag Ingles lalo kapag galit kaya napapa-nganga ako kapag siya ang may eksena.

Pinaka gusto kong part nung party na nanggulo si Wado at naiwan sina Lia at Philip sa parking lot. Ang galing ni Bea nung nag breakdown siya at si Paulo na hindi alam ang gagawin. Tapos yung Kuya na nakaupo sa likod ko sabi "Habulin mo..." haha. Pati lalaki nakakarelate at nadadala sa story.

Napanood mo na ba? Sana panoorin mo at balikan mo ito at magkwentuhan tayo kung ano ang masasabi mo sa movie. Kaya pala 10M agad sa first day pa lang... napaka husay na Director ni Direk Ruel Bayani. 👏 Manood na para makita mo ang "controversial scene ", kung gaano ka delicate ang story at gaano ka conplicated ang characters. 

Parang ako din pala si Lia na gusto lang ng normal at ordinary life. At kapag nagmahal binubuhos ang lahat sa huli walang naiiwan kaya masakit. Sana mas mapagusapan pa ang LGBT sa atin at maging open ang lahat para everybody happy 😊

Comments

Popular posts from this blog

Converge CEO joins global tech leaders at the MWC Barcelona, slated to share how fiber technology uplifted PH connectivity

Galing Pook Foundation Recognizes Outstanding Local Government Programs for 2022

Vivo is all set to unlock the future